Christmas party sa Kamara kanselado

MANILA, Philippines - Dahil sa maraming biktima ng bagyong Yolanda ay ikakansela ng liderato ng Kamara ang pagdaraos ng Christmas party nga­yong Disyembre.

Sa halip umano na gamitin sa magarbong party ay mas mabuti na lamang na gamitin ang budget nila sa Christmas party para bumili ng mga regalo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na noong nakaraang mga taon ay kinansela na rin nila ang kanilang Christmas party nang tumama rin ang mga bagyong Pablo at Sendong sa bansa.

Iminungkahi rin ni Negros­ Occidental Rep. Albee Benitez na i-donate nilang mambabatas ang kanilang 13th month pay bukod pa sa pagbibigay ng kanilang sahod ngayong buwan ng Nobyembre sa mga biktima ng typhoon Yo­landa.

Show comments