Jail guard itinumba

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek ang isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na nasawi noon din dahil sa tinamong tatlong tama ng bala sa katawan ay nakilalang si JO2 Inocencio Velasquez 44, nakatalaga sa Office of the General Services sa Mindanao at residente sa Brgy. Central sa lungsod.

Sa salaysay ng sekyu na si Alvin Gastardo, dakong alas-12:30 ng mada­ling-araw ay nagbabantay siya sa construction site ng Diliman Doctors Hospital, Commonwealth Avenue, Barangay Old Balara nang makarinig siya ng mga putok ng baril.

Agad niyang pinunta­han ang pinanggalingan ng putok at nakita niya ang biktima na duguang nakahandusay kaya’t agad niya itong iniulat sa pulisya.

Inaalam ng mga otoridad kung may dalang service firearm ang biktima na may dalang motorsiklo nang ito ay pagbabarilin.

 

Show comments