Gumahasa sa lola, pinugutan ng naghiganting apo

MANILA, Philippines - Pagpugot ng ulo ang ganti  ng isang apo sa isang minero na gumahasa sa kanyang lola at pagbabanta pa sa buhay ng kanyang tatay naganap kamakalawa ng gabi sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Rudy Tam­parong, nasa hustong gulang, binata, minero na  pansamantalang naninirahan sa Brgy. Puting Bato ng lungsod.

Ang suspek na sumuko ay nakilalang si Jomelen Leoma Tamba, 25, jobless, ng Purok 2 ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nakikipag-inuman ang biktima sa lugar nang dumating ang suspek at magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Lumilitaw na umabot na sa sukdulan ang galit ng suspek dahil ginahasa nito noong nakaraang linggo ang kanyang lola pero hindi ipinursige ng matanda ang kaso.

Show comments