MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghango, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa mga karagatan ng walong bayan ng Bataan.
Ayon sa BFAR, mataas ang toxicity level ng lason ng red tide sa baybayin ng Bataan laluna sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.
Nananatiling positibo sa red tide toxin ang Dumanqillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, Balite Bay sa Mati, Davao Oriental at maging ang coastal water ng Milagros sa Masbate kayat bawal ding kainin ang shellfish mula dito.