Sundalo dinedo ng naka-motorsiklo

MANILA, Philippines -Isang miyembro ng Philippine Army ang binaril sa leeg ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo habang ang una ay magpaparada ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Cubao, Quezon City.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilala sa pamamagitan ng ID nito na si Staff Sgt. Ernesto R. Clemente Jr., 47.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi sa kahabaan ng Saint Mary St., kanto ng New York St., Brgy. E. Rodriguez ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at ipaparada sana nang sumulpot ang dalawang lalaki na nakamotorsiklo na walang plaka at ang angkas ay siyang bumaril nang malapitan sa leeg ng biktima.

Matapos ang pamamaril ay sumibat ang dalawang suspek.

Show comments