MANILA, Philippines -Napinsala ang mahigit 80 kabahayan habang ilang katao naman ang nasugatan nang manalasa ang isang buhawi sa tatlong bayan ng Iloilo at dalawang lungsod ng Cebu kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region VII, bandang alas-7:45 hanggang alas-8:00 ng gabi nang manalasa ang buhawi malapit sa Mactan Shrine sa Lapu-Lapu City at Mandaue City, Cebu na ikinasugat ng isang katao sa Sitio Superior at tatlo naman sa Brgy. Looc, Lapu-Lapu City.
Naitala na sampung kabahayan ang nawasak habang nasa tatlo pa ang nagtamo ng pinsala sa Lapu-Lapu City habang nasalanta rin ang isang lugar sa Mandaue City.
Sa ulat naman ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nasa siyam na kabahayan ang nawasak at 64 pa ang napinsala sa pananalasa ng maÂlakas na buhawi sa tatlong baÂyan ng Iloilo.
Sa ulat sa pagitan ng alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng gabi nang manalasa ang buhawi sa mga bayan ng Pavia, Oton at Barotac Nuevo.