Service crew, sinuntok tigok

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 23-anyos na service crew ng isang kilalang foodchain matapos pagtulungang suntukin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na naganap sa CM Recto Avenue sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nasawi habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ay nakila­lang si Junnel Samson, residente ng #832 Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila.

Hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na tinatayang nasa edad na  25-30.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na dakong ala-1:15 ng madaling araw habang kumakain ng lugaw ang biktima at pinsan na si John Samson nang dumating ang dalawang suspek.

Pinaringgan umano ng isa sa 2 suspek ang magpinsan na ng “suwerte naman me magbabayad na ng kinain natin”, na sinagot naman ng biktima ng “bakit ako magbabayad ng kinain nyo, kaibigan ba kita?,  hindi nga kita kilala e”.

Nagalit umano ang dalawang suspek kaya agad nilang pinagtulungan na suntukin ang biktima hanggang sa mabagok ang ulo nito sa semento at mawalan ng malay tao.

Show comments