^

Police Metro

Publiko binalaan sa mga pekeng pari na gagala sa sementeryo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Binalaan kahapon ang Philippine National Police (PNP) ang publiko kaugnay ng mga pekeng pari na muli na namang gumala  sa mga pangunahing sementeryo para humanap ng kanilang mga mabibiktima.

Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, modus operandi ng mga pekeng pari ay basbasan umano ng benditadong tubig ang puntod ng nais nilang biktimahin kapalit ng paghingi ng kabayaran.

Sa tala ng PNP, sa tuwing sasapit ang paggunita sa Undas ay gumagala ang mga pekeng pari partikular na sa South Cemetery, Manila North Cemetery, Loyola Memorial Park, Manila Memorial Park at iba pa.

Ang mga pekeng pari ay todo postura rin umano na nakasuot ng abito o uniporme ng pari at may dalang bibliya saka pekeng pang-bendisyon sa mga nitso kung saan sumi­singil umano ang mga ito ng mula P100 hanggang P500.00 depende sa kanilang mabobola o malilinlang na mga  tao.

Ipinagbabawal din ng PNP ang pagsusugal, pag-inom ng alak, malalakas na tugtugan o anumang maiingay na bagay na maaaring makabulabog sa mga nagdarasal ng taimtim para sa kapa­yapaan ng kaluluwa sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Pinag-iingat din ng PNP ang publiko laban sa mga mandurukot, salisi, snatcher, magnanakaw, bukas kotse at iba pang masasamang elemento.

CHIEF P

LOYOLA MEMORIAL PARK

MANILA MEMORIAL PARK

MANILA NORTH CEMETERY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

REUBEN THEODORE SINDAC

SOUTH CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with