Magkapatid na paslit nalunod

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang magkapatid na paslit matapos na tangayin ng malakas na agos sa Dipolog River, Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang nasawing mga biktima na sina Karla Yuson, 8 anyos at kapatid nitong si Carlo, 5-anyos na residente ng Brgy. Barra sa lungsod.

Ang magkapatid ay perehong idineklarang dead-on-arrival sa Zamboanga del Norte Medical Center, ilang minuto matapos ang mga itong isugod sa nasabing pagamutan.

Nabatid na dakong alas-3:00 ng hapon ng malunod ang magkapatid sa Dipolog River  matapos mawalan ng balanse si Carlo habang umiihi sa pampang at tuluy-tuloy na mahulog sa malalim na bahagi ng ilog.

Nakita naman ni Karla ang kapatid habang nagkakawag sa kinahulugan nitong ilog kaya tumalon rin ito para sana sagipin pero siya man ay nalunod.

 

Show comments