Parak timbog sa droga
MANILA, Philippines - Timbog sa mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang non-commissioned police officer at kanyang kasama makaraang mahuling nagbebenta ng droga sa isang poseur-buyer sa Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si PO2 Arnold Sua, 42 at isang Cheryl Yap, 37, pawang residente ng Pioneer Avenue, Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato City.
Sinabi ni Cacdac, si Sua ay kasalukuyang nakatalaga sa Regional Office 12 (PRO-12) Holding and Administrative Office.
Sinasabing isang poseur buyer ng PDEA ang nakipag transaksiyon sa mga suspek para bumili ng isang sachet ng shabu at nagkasundong magkikita sa Pioneer Avenue, Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato City.
Nang makuha ang droga ng poseur-buyer ay agad na dinakip ng PDEA si Sua at Yap.
Nakumpiska mula dalawa ang transparent plastic sachet na may lamang droga at iba pang drug paraphernalia.
Nakatakda ngayong kasuhan ang dalawa ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 12 (Possession of Equipment and Other Paraphernalia), Article II ngRA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest