Trader dinukot ng Abu

MANILA, Philippines -Isang may-ari ng hardware ang dinukot ng pitong mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Brgy. Kasulatan, Patikul, Sulu, kamakalawa.

Kinilala ang dinukot na si John Archie Hablo Jr., 29, nagmamay-ari ng Sincere Hardware Enterprises sa kapitolyo ng Jolo, Sulu.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay kasalukuyang magkaangkas ang biktima at kapatid nitong si Harold Miko ng motorsiklo pauwi sa kanilang bahay sa isang subdibisyon sa Brgy. Kasulatan, Patikul nang harangin ng pitong mga armadong kalalakihan na lulan ng jeepney.

Walang nagawa ang biktima matapos itong tutukan ng baril at kaladkarin ng mga kidnaper habang nagawa namang makatakas si Harold na siyang nag-report sa mga otoridad.

Wala pang grupong umaako sa pagdukot sa biktima, subalit hinihinala ng mga otoridad na mga bandidong Abu Sayyaf dahil ito lamang ang notoryus na kidnapping for ransom group sa lalawigan.

Show comments