MANILA, Philippines - Inihayag ni Bureau Immigration (BI) Commissioner Seigfred Mison na, inalerto niya ang lahat ng mga immigration officer sa lahat ng pantalan at paliparan sa bansa matapos ipalabas ang lookout bulletin order (LBO) kina daÂting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at 23 iba pa dahil sa kasong P900-M Malampaya fund scam.
Bukod kay Arroyo ay nasa LBO din sinadaÂting executive Secretary Eduardo Ermita; Janet Lim-Napoles; Nasser C. Pangandaman; Narciso B. Nieto; Rolando G. Andaya Jr. ;Mario L. Relampagos; Teresita L. Panlilio; Angelita V. Cacananta; Nilda P. Baui; Dominador V. Sison; Jr., Ronald J. Venancio; Rene E. Maglanque; Ruby C. Tuason; Evelyn De Leon; Jesus Castillo; Lilian A. Español; GeÂnevieve G. Uy; RoÂnald John Lim aka John Lim; Eulogio D. Rodriguez; Lorna Ramirez; Ronald Francisco Lim; Simplicio M. Gumafelix; at John Raymund S. De Asis.
Kasalukuyan pang naka-hospital arrest si Arroyo dahil sa kasong plunder habang nakadetine rin si Napoles sa kasong serious illegal detention.
Nauna nang isinampa ng Department of Justice (DOJ) ang kasong plunder laban sa mga nabanggit na persoÂnalidad.