438 katao tiklo sa gun ban

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 438 katao ang nadakip sa gun ban sa iba’t ibang lugar sa bansa, isang linggo bago ganapin ang barangay election sa darating na Oktubre 28.

Ang panghuli ay isang retiradong pulis na si Julian Sistoza sa Brgy. Centro, Ilagan, Isabela na nadakip bandang alas-8:15 ng gabi at nasamsaman ang isang M16 rifle na may marking ng US rifle 7.62 MM na may isang magazine at 20 bala.

Pinakamarami sa mga nasakote ay mga sibilyan na umaabot sa 410 ang bilang.

Kabilang pa sa mga nasakote ay limang pulis, 16 security guards, tatlong opisyal ng gobyerno at apat na sundalo.

Nakasamsam din ng 352 mga baril, 140 patalim, 86 eksplosibo, 64 granada, 15 gun replica at 2, 685 mga bala.

Nagsimulang ipatupad noong Setyembre 28 na tatagal ng hanggang Nobyembre 12, o 30 araw bago at matapos ang gaganaping hala­lang pambarangay.

Show comments