Bata natupok sa sunog

MANILA, Philippines - Isang 4-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos itong makulong sa nasusunog nilang bahay kamakalawa sa Brgy. Taligaman, Butuan City, Agusan del Norte.

Halos hindi na makilala sanhi ng grabeng pagkasunog ng katawan ang biktimang kinilalang si Jemerson Chanjueco.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang sunog sa bahay ng biktima na matatagpuan sa Purok 5, Brgy. Taligaman, Butuan City.

Nabatid na nagsimula ang sunog dahil sa naglalaro ang biktima kasama ang paslit na kapatid na si  Jemuel Chanjueco at paslit na kapitbahay ng lighter na dumila sa tela sa loob ng kanilang bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa buong kabahayan na gawa sa mahihinang uri ng materyales na kung saan ay nagawang makatakbo palabas ng bahay sina Jemuel at kapitbahay,subalit nakulong ng apoy ang biktima.

Idineklara naman ng mga bumbero  ang pagkaapula ng apoy bandang alas-9:25 ng umaga.

Show comments