CJ Sereno: Judiciary isailalim sa lifestyle check
MANILA, Philippines - Hiniling ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na isailalim sa lifestyle check ang hanay ng hudikatura kasunod ng isyu ng katiwalian na inuugnay sa isang “Ma’am Arleneâ€.
Sa press statement ni Sereno na binasa ni Atty. Theodore Te, hepe ng SC-Public Information Office, hiningi ni Sereno ang tulong ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa ito ay mayroong technical capability at legal na mandato para magsagawa ng lifestyle check sa mga miyembro ng hudikatura at mga kawani ng hukuman.
Hindi naman mabigyan ng linaw ni Te kung lahat ba ng mga miyembro ng hudikatura ang isasaÂilalim sa lifestyle check o iyon lamang mga kasali sa kontrobersyal na eleksyon ng Philippine Judges Association o PJA.
Ang pakikipag-ugÂnaÂÂyan ni Sereno sa OmÂbudsÂman ay kasabay ng pagtangÂgap nito sa alok na tulong ni Justice SecreÂtary Leila de Lima para magsagawa ang NBI ng parallel investigaton tungkol sa isyu ng taong nagÂngangalang Ma’am Arlene na sinasabing maimpluwensya sa mga hukom at mahistrado ng Court of Appeals.
- Latest