Inabangan pagkagaling sa seminar… Nurse utas sa ambush

MANILA, Philippines - Napatay sa am­bush ang isang 46-­anyos na nurse nang pag­babarilin ito ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ka­ma­kalawa ng gabi sa Ma­labon City.

Ang biktima na bina­wian ng buhay habang gi­nagamot sa Tondo Me­dical Center dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Teresita Policarpio, ng Dizon St., Barangay Tinajeros ng naturang lungsod at nakatalaga sa Sanitation Department ng Malabon City Hall.

Batay sa ulat, alas-6:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo mula  sa isang seminar na ginanap sa De­vine Mercy School sa Caloocan City.

Pagsapit ng biktima sa Royal Mirror sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Barangay Acacia, Mala­bon City ay dinikitan ito ng isang motorsiklo sakay ang dalawang hindi pa nakilalang suspek at agad na pinagbabaril.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek na hindi naplakahan na mo­­tor­siklo habang ang bik­­tima ay dinala sa na­turang os­pital ng ilang taong nag­mamalasakit, subalit na­­­matay ito habang nila­la­patan ng lunas.

Show comments