^

Police Metro

Babala ng POEA...‘Non-existent jobs’ sa Italy iwasan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbigay ng babala kahapon sa publiko ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na iwasan ang mga iniaalok na  ‘non-existent jobs’ sa Italy.

Ginawa ng POEA ang babala kasunod nang natanggap na report na nag-aalok ng non-existent jobs sa naturang bansa ang kumpanyang Baggio SPA Transporti Combinati.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac, isang Andrew Lorenzo, na empleyado umano ng naturang kumpanya, ang nagsabi na ang naturang kumpanya ay nagre-recruit ng mga Pinoy ngunit ang kanilang mga employment documents ay ipu-proseso ng direct hiring sa Malaysia. Batay sa ulat, isang ahente na may pangalang Arnie Almazan, na nakabase sa Malaysia, ang humihingi ng Php55,000 mula sa aplikante para sa placement at visa fee ng mga ito.

Isa pa umanong ahente sa Pilipinas ang humihingi naman sa mga aplikante ng Php6,000, para sa POEA processing fee. Sinabi ni Cacdac na ang pag-recruit ng mga manggagawa sa pamamagitan ng third country ay isang lumang modus operandi ng mga illegal recruiter.

 

ADMINISTRATOR HANS LEO J

ANDREW LORENZO

ARNIE ALMAZAN

AYON

BAGGIO

BATAY

CACDAC

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

TRANSPORTI COMBINATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with