Purok lider dinukot, tinodas ng NPA

MANILA, Philippines -Isang purok lider na napagkamalang asset ng militar ang dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at pagkatapos ng ilang araw ay sinentensyahan ito ng kamatayan nang bistayin ng bala naganap sa Brgy. Malabog, Paquibato District Davao City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Leonilo Sasil, 57-anyos, aktibong lider ng kanilang purok sa lungsod na ito.

Batay sa ulat bandang alas-10:00 ng gabi kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa tabing kalsada ng Sitio Kapihan, Brgy. Malabog, Paquibato District.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay dinukot ng mga armadong rebelde kamakailan sa nabanggit na barangay sa hinalang asset ito ng militar.

Show comments