58 nahuli sa gun ban
MANILA, Philippines -Sa pinalakas na implementasyon ng 45 araw na gun ban kaugnay ng magaganap na barangay elections sa Oktubre 28 ay umaabot na sa 58 katao ang naaaresto.
Ayon kay Sr. Supt. Wilben Mayor, Spokesman ni PNP Chief Director General Alan Purisima, simula ng ipatupad ang gun ban nitong Setyembre 28 ay nasa 58 personalidad na ang nasakote.
Kabilang sa 58 nasakote ay dalawang pulis, isang opisyal ng gobyerno, 54 sibilyan at isang security guard.
Nakasamsam rin ng 46 armas, tatlong airgun at replicas, 19 patalim at tatlong granada habang nasa 477 naman ang iba pang uri ng mga eksplosibo.
Ang gun ban ay mahigpit na ipatutupad mula Setyembre 28 hanggang Nobyembre 12 ng taong ito.
- Latest