2 trader nasagip, 4 kidnaper timbog

MANILA, Philippines - Nasagip ng mga otoridad sa isinagawang rescue operation ang dala­wang negosyanteng kinidnap matapos na madakip ang apat na kidnapper sa iti­nakdang pay-off ng ransom kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng mada­ling-araw sa Laguna.

Ang mga kidnap victim ay sina Mark Cristian Melicio at Rhedgie Enso; pawang ng Brgy. Masapang , Victoria ng lalawigang ito na dinukot noonh Setyembre 28, dakong alas-10:30 ng gabi sa bisinidad ng Travellers Inn, Sta. Cruz, Laguna.

Nasakote naman sa pay-off sina John Brian Tobias alyas BJ, 28; Brian Gabinete alyas Balot, 26 at ang dalawa pa ay sa follow-up operations na sina Diana Prince Hedia, 29 at Ronel Alcantara.

Bandang alas-11:30 ng gabi kamakalawa ng i-report sa pulisya ang pagkakadukot sa dalawang biktima ng pamilya ng mga kung saan ay itinakda ang bayaran ng ransom na naibaba sa P 60,000.00.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang Laguna Police Intelligence Branch (PIB) sa ilalim ng superbisyon ni Supt Kirby John sa itinakdang pay-off ng ransom sa national highway malapit sa Grove ng Brgy. Bubukal, Pagsanjan, Laguna.

Ayon sa pulisya, lulan ng isang kulay itim na Mitsubishi Lancer (USP-831) nang masagip ang biktimang si Melicio at nadakip rin ang mga kidnappers na sina Tobias at Gabinete.

 Sa follow-up operations naman sa Marcelo Compound sa Brgy. Callos, Sta. Cruz ay nailigtas si Enson at nasakote sina Hedia at Alcantara na hindi na nakapalag matapos makorner ng pulisya.

 

Show comments