Payo sa mga kandidato... Huwag kayong atat – Comelec
MANILA, Philippines - Pinayuhan kahapon ng pamunuan ng Commission on Election (COMELEC) ang mga kandidato sa nalalapit na Barangay election na huwag maging atat sa pangangampanya.
Ang payo ng COMELEC ay ginawa dahil na rin sa naglipanang mga election poster sa ilang bahagi ng Quezon City gayong sa October 18 pa ang simula ng pangangampanya.
Ayon kay COMELEC Executive Director James Jimenez, at tagapagsalita ng Komisyon, ilegal ang pangangampanya na hindi sakop ng election campaign.
Itinuturing aniya itong premature campaigning kahit pa hindi paghingi ng boto ang direktang mensahe ng posters ng ilang kandidato. Mahaharap sa kaukulang parusa ang mga mapapatunayang lalabag sa panuntunan ng Comelec.
- Latest