^

Police Metro

Pagtanggap ng P100-m inamin ni Drilon

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Para sa Disbursement Acceleration Prog­ram (DAP) umano ang tinanggap na P100-mil­yon ni Senate President Frankling Drilon mula sa Malacañang noong nakaraang taon.

Sa isang panayam sa radyo ay inamin ni Sen. Drilon na tumanggap nga siya ng nasabing halaga ng salapi pero itinanggi nito na iyon ay suhol ng Palasyo para sa conviction ni dating Chief Justice Renato Corona.

“Hindi ito bribe (This is not a bribe),” mariing paliwanag ni Sen. Drilon ukol sa tinanggap niyang P100 milyon mula sa Malacañang na para sa kanyang infrastructure projects sa kanyang home province na Iloilo.

“Magbi-bid kami sa 2015 APEC, walang ma­ayos na kalsada o convention center. Ang perang ito ay hiningi ko upang magkaroon ng infrastructure program para sa turismo,” paliwanag pa ni Drilon.

Aniya, ang nasabing pondo ay ginamit niya sa tama para sa infrastructure program sa kanyang lalawigan.

Wika pa ni Drilon, ang DAP funds ay hindi direktang napupunta agad sa implementing agencies dahil wala naman ito sa programa ng nasabing mga ahensiya.

Isa lamang si Drilon sa mga senador na nag-convict kay Corona na sinasabing tumanggap ng pondo mula sa DAP.

 

ANIYA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DISBURSEMENT ACCELERATION PROG

DRILON

ILOILO

ISA

MAGBI

MALACA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with