PNoy nakidalamhati sa mga sundalong nasawi

MANILA, Philippines - Personal na nakida­lam­hati, nagbigay nang huling respeto at pagpu­pugay si Pangulong Be­nigno Aquino III sa mga sundalong nasawi sa pa­kikipagbakbakan sa Moro National Liberation Front-Misuari faction sa Zamboanga City.

Dinalaw ni Pangulong Aquino ang mga burol nina 1st Lt. Kristopher Rama sa Norzagaray, Bulacan, 2nd Lt. Florencio Mikael Mene­ses sa Pulilan, Bulacan at 1st Lt. Francis Damian sa Camp Aguinaldo kahapon.

Ang tatlong mga batang opisyal ng Ar­med Forces of the Philippines (AFP) ay pawang mga graduates ng Philippine Military Academy (PMA).

Si Lt. Rama ay mi­yembro ng PMA Class 2008 ng Baghawi Class habang si Lt. Meneses ay mula sa PMA Class 2011 na Laon Alab Class at si Lt. Damian ay mula sa PMA Class of 2007 na Maragtas Class.

Ang tatlo ay nasawi sa pakikipaglaban sa mga miyembro ng MNLF-Mi­suari faction sa Sta. Barbara at Sta. Catalina sa Zamboanga City.

Kinausap ng Pangulo ng ilang minuto ang mga kaanak ng mga nasawing sundalo sa kanyang pagdalaw sa burol ng mga ito.

Unang tinungo ng Pa­ngulo ang burol ni Lt. Rama sa Norzagaray, Bulacan sumunod ang burol ni Lt. Meneses sa Pulilan at ang burol ni Lt. Damian sa Camp Aguinaldo.

 

Show comments