Sobrang gastos sa kampanya... Gov. ER diniskuwalipika

MANILA, Philippines - Dahil sa sobra-so­­brang gastos sa pa­­ngangampanya noong nakalipas na halalan kaya diniskuwalipika ng Commission on Elections (COMELEC) First Division si Laguna Governor Emilio Ramon “ER” Ejercito.

Sinabi ni COMELEC Comm. Lucenito Tagle, overspending si Gov. ER kaya nila ito dinis­kuwalipika.

Ayon kay Tagle, ma­aari pang iapela ng go­bernador ang desisyon ng first division sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration sa CO­MELEC  En Banc.

Ipinaliwanag ni Tagle na kapag naging pinal na ang desisyon ng Co­melec ay kinakaila­ngang umalis sa puwesto si Ejercito at ang papalit sa kanya ay ang bise gobernador ng lalawigan.

Iginiit naman ni CO­MELEC Chairman Sixto Brillantes na sa patalastas  pa lamang sa telebisyon ay umabot na sa mahigit anim  na milyong piso ang gastos ni Gov. ER.

Nabatid na sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 96-15, alinsunod sa Fair Elections Act ay pinapayagan lamang ang isang kandidato na gumastos ng tatlong piso sa kada botante na sakop ng lugar kung saan siya tumatakbo. 

Ang Laguna ay may­roong mahigit isa at ka­lahating milyong rehis­tradong botante kaya dapat ay hindi lumagpas sa P4.5 mil­yon ang gastos sa pa­nga­ngampanya ni Ejercito.

Show comments