Gusali ng COA pinagbabaril

MANILA, Philippines -Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek ang tanggapan ng Commission on Audit (COA) kahapon ng umaga sa Quezon City.

Batay sa ulat, alas-6:20 ng umaga nang pagbabarilin ang tanggapan ng COA main office na kung saan ay nasira ang bintana na nasa ikalawang palapag ng opisina ni COA assistant director IV Nilda Plaras.

Sa inisyal na pagsisiyasat, maaaring hindi ang COA ang target ng pamamaril dahil galing ang pag­papaputok sa kalapit na gusali nito at nagmintis lamang kung kaya umabot sa nasabing tanggapan.

Masusing susuriin ng pulisya ang closed-circuit television (CCTV) came­ra footages malapit sa na­­sabing gusali upang matukoy ang tunay na ugat.

Show comments