^

Police Metro

6 suspek kinasuhan na sa Kae murder

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Patung-patong na kaso ang isinampa sa Department of Justice ng Task Force Kae laban sa 6 suspek sa brutal na pamamaslang sa advertising executive na si Kae Davantes.

Dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang isampa ang mga kasong robbery with homicide, at qualified carnapping sa mga suspek na sina Samuel Decimo, Reggie “Jojo” Diel, Lloyd Benedict Enriquez at sa mga nakakalayang suspek na sina Jomar Pepito, Baser Minalang at Kelvin “Joric” Evangelista.

Tinanggap ni Pro­secutor Atty. Omar Casino, ng National Pro­secution Service, ang mga isinampang kaso kahit na dis-oras ng gabi upang maiwasan na makasuhan ng illegal detention ang pulisya at NBI.

Tumayong complainant naman sa kanilang isinampang kaso ang tiyuhin ni Kae na si Vincent Davantes na siya rin tumayong bilang guardian ng biktima.

Inimbitahan naman ni TF Kae head, Chief Supt. Christopher Laxa ang NBI para sa isasagawang “case conference” sa kaso upang mapag-isa nila ang kanilang mga detalye at ebidensya upang lalong mapalakas ang kaso laban sa mga suspek.

vuukle comment

BASER MINALANG

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER LAXA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JOMAR PEPITO

KAE DAVANTES

LLOYD BENEDICT ENRIQUEZ

NATIONAL PRO

OMAR CASINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with