Metro Manila lumubog sa baha
MANILA, Philippines - Muli na namang lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Metro Manila bunga ng malalakas na pag-ulan na dulot ng habagat.
Ang insidente ay nagdulot din ng pagkakasuspinde ng klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at Luzon dulot ng mga pagbaha partikular na sa mga mababang lugar.
Marami ring mga pasahero ang na-stranded na ang karamihan ay mga estudyante nang hindi kaagad nagdeklara ng maagang pagsuspinde ng klase.
Sa Caloocan City, umaÂbot ng hanggang tuhod ang tubig-baha sa may Rizal Avenue-Monumento Circle hanggang sa EDSA northbound lane. Sa lungsod ng Maynila, naitala ang hanggang binting pagbabaha sa mga kalsada ng Ramon Magsaysay Blvd., Pureza, Espana Blvd., Blumentritt, Lacson Avenue habang hanggang lagpas tuhod ang baha sa may Rizal Avenue-R. Papa.
Sa Quezon City, naitala ang lagpas tuhod na baha sa Araneta Avenue, E. Rodriguez Blvd., Quezon AveÂnue, habang hanggang binti ang baha sa Ma. Clara Street, C-3 Road at A. Bonifacio.
Sa Valenzuela City, umaÂbot mula lagpas tuhod hanggang bewang ang tubig baha sa McArthur Highway.
Sa Southern Metro MaÂÂnila, umabot ng lagpas tuhod hanggang dibdib ang tubig-baha sa mga Barangays 176, 179, 180, 183 at 184. Umabot sa 22 pamilya ang inisyal na nilikas sa Brgy. 179 na nakatira sa gilid ng estero. Lagpas-tuhod din ang baha sa EDSA-Taft Avenue, MIA Road-Coastal Road. Sa Parañaque City, umabot ng hanggang binti ang baha sa Baclaran, habang lagpas tuhod ang tubig-baha sa tapat ng SM Sucat.
Sa Makati City, umabot ang baha sa pitong barangay sa lungsod mula lagpas binti hanggang aabot sa bewang. Kabilang sa mga binahang barangay ang Magallanes, Pio del Pilar, Olympia, Tejeros, La Paz, San Isidro, San Antonio.
Ayon sa NDRRMC, dahilan sa mga pagbaha ay nagpalabas ng orange rainfall advisory ng PAGASA sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon na makakaranas ng malalaÂkas at pabugso-bugsong mga pag-ulang dulot ng habagat.
Ang orange rainfall advisory ay ang ikalawang stage rainfall warning system ay magbubuhos ng 15 MM at 30 MM sa loob ng isang oras kung saan may mga pagbaha sa mga mabababang lugar.
Iniulat din ang mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Rizal, Bulacan, Pampanga, ilang bahagi ng Laguna, Quezon, Cavite at Occidental Mindoro.
- Latest