MANILA, Philippines - Nagsiapaw ang tubig sa 7 dam sa Luzon dahil sa walang tigil na buhos ng ulan mula pa ng Linggo dala ng habagat.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical SerÂvices Administration (PAGASA), nakapagreÂhistro ng pagtaas ng tubig mula linggo sa Angat dam sa Bulacan mula 202.23 meters ay naÂging 202.59 meters, Ipo dam sa Bulacan mula 99.92 meters ay naging 100.06 meters ng tubig, La Mesa dam sa QC na mula 78.88 meters ay naging 79.08 meters, Ambuklao dam sa Benguet mula 751.56 meters ay naging 751.83 meters, Binga dam sa Benguet mula 573.81 meters ay naging 574.02 meters, Pantabangan dam sa Nueva Ecija mula 200.68 meters ay naÂging 200.86 meters at Caliraya dam sa Laguna mula 287.28 meters ay naging 288.03 meters.
Ayon kay Danny FloÂres, hydrologist ng PAGÂASA na kapag nagpatuloy pa ang pagtaas ng water level sa naturang mga dam ay asahan na ang pagbubukas ng spill gates ng naturang mga dam maliban na lamang sa La mesa dam na walang spill gates.