71-anyos lola tinamaan ng mortar habang nagluluto

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 71-anyos na lola habang nagluluto ng almusal para sa security forces makaraang aksidenteng tamaan ng mortar ang bahay nito sa Don Alfaro Street, Brgy. Tetuan, Zamboanga City kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, bandang alas-7:50 ng umaga nang mangyari ang aksidenteng pagtama ng sumambulat na mortar sa bahay ng bik­tima na si Norma Lladones. 

Ang Brgy. Tetuan ay may layong 2 hanggang 3 kilometro mula sa Brgy. Sta. Catalina at Sta. Barbara kung saan patuloy pa rin ang sagupaan sa pagitan ng magkabilang panig.

Ang nasabing biktima ay kabilang sa mga residenteng nagbibigay ng pagkain bilang suporta sa tropa ng pamahalaan para manumbalik ang peace and order sa kanilang lung­sod.

 

Show comments