^

Police Metro

Army junior officer todas sa bakbakan sa Zambo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ika-11 araw na Zambo siege ay isang elite junior officer ng Philip­pine Army ang nasawi nang muling sumiklab ang bakbakan kahapon ng alas-6:00 ng umaga sa Brgy. Sta. Barbara na kung saan ay dalawa rin sa panig ng MNLF ang napatay at tatlong sundalo ang nasugatan.

Dahil dito ay umaabot na sa 116 ang kabuuang nasawi at 196 ang nasugatan.

Nakilala naman ang napaslang na junior officer na si 1st Lt. John Kris­topher Rama, 30-an­yos, produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2008 at tubong Norzagaray, Bulacan.

Si Rama, isang US trained, miyembro ng 1st Light Reaction Company ay tumatayong assault team leader ng tropa ng mga sundalo na nagsasagawa ng clearing operation nang masapul ng tama ng bala sa baba sa palitan ng putok.

Sa kasalukuyan ay hu­migit kumulang na lamang sa 20 ang hostage ng grupo ni rouge MNLF Commander Habier Malik habang nasa kulang-kulang sa 100 na lamang ang puwersa ng mga kalaban matapos na magsitakas na ang mayor­ya sa mga ito.

vuukle comment

BRGY

BULACAN

COMMANDER HABIER MALIK

DAHIL

JOHN KRIS

LIGHT REACTION COMPANY

NAKILALA

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

SI RAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with