SUBIC BAY FREEÂPORT, Philippines- Dumaong kahapon ng alas-4:00 ng hapon ang dalawang barkong panÂdigÂma ng US Navy na tinataÂyang may sakay na humigit kumulang sa 3,000 Navy at Marine personnel para sa port visit at upang dumalo sa ginaganap na joint-PH-US Military ExerÂcise sa bansa.
Isa sa barko ay ang USS Boxer na isang Wasp-class amphibious assault ship na may kapasidad na magpadala at tumangggap ng kahit anong klase ng helicopter para sa kanyang platform, ang isa naman ay ang USS New Orleans (LPD 18) na kung tawagin ay San Antonio-class transÂport dock ship na may mga sakay na 350 Navy officers at sailors at 800 Marines.
Ang dalawang barko ay nakahanda para sumali at sumama sa USNS Emory S. Land and USNS Henson na ngayon ay nakadaong din sa Alava Pier dito sa Subic Bay Freeport.