MANILA, Philippines - Sa loob ng isang semenÂteryo pinagbabaril at napatay ang dalawang minero kamakalawa sa Purok 1, Poblacion, Barobo, Surigao del Sur.
Isa sa nasawi ay kinilalang si Julius Alegarme Tuyor, 25, gold panner ng Poblacion, Barobo habang inaalam pa ang pagkakakiÂlanlan ng kasama nito.
Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag sa telepono ang Barobo Police hinggil sa pagkakatagpo sa bangkay ng dalawa sa loob ng Dabasa Balahay Cemetery.
Nang siyasatin ng pulisÂya, ang bangkay ni Tuyor na may mga tama ng bala sa noo, ulo at mga braso nito kung saan ay inilagay pa ang labi nito sa loob ng isang nakabukas na nitso.
Habang isa ay natagpuan dakong alas-8:00 ng umaga may ilang metro mula sa bangkay ni Tuyor sa bahagi naman ng damuhan sa naturang sementeryo na may tama ng bala sa dibdib, ulo, hita at iba pa.