Obrero dinedo ng kabaro

MANILA, Philippines - Dedo ang isang obrero makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapwa obrero sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang bik­tima na si Philmore Martinez, 35, may-asawa, residente ng #150 Espirito Camp, Philand Extension, Brgy. Pasong Tamo, sa lung­sod.

Arestado naman ang suspek na si Jorge Quintana, 27, residente ng Mun­sayac Compound Phi­land Extension, sa lungsod.

Ayon kay PO2 Julius Balbuena, may hawak sa kaso, naganap ang insidente alas-11:00 ng gabi sa harap ng tahanan ng biktima.

Sinasabing naglalakad papauwi ang biktima sa kanilang tahanan nang harangin siya ng suspek at pagsasaksakin ng ice pick sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Show comments