MANILA, Philippines - PiÂnagdududahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang inihayag ni founding MNLF Chairman Nur Misuari na wala itong kinalaman sa pagÂlusob ng kanyang mga tauhan sa ZamÂboanga City.
Ito ang sinabi ni PaÂngulong Aquino sa ambush interview matapos dalawin ang mga sundalo at pulis na humaharap sa mga MNLF na lumusob sa lungsod wala siyang narinig na kinausap ni Misuari si Kumander Habier Malik upang itigil ang pag-atake sa lungsod.
Dapat anya ay pag-isipang mabuti muna ang sinasabing walang kinalaman si Misuari sa naging aksyon ng may 100 MNLF na sumugod sa lungsod at patuloy na ginagawang hostage ang mga sibilyan.
Idinagdag pa ng PaÂngulo na ini-report sa kanya ni Justice Sec. Leila de Lima na ang mga dating kaso ni Misuari ay nabasura dahil sa kakulangan ng ebidensiya at ayaw niyang mangyari ulit ito kaya tinitingnan natin ang aktwal na ebidensiya bago natin sampahan ng kaso.
Personal na nagtuÂngo kahapon sa lungsod si Pangulong Aquino upang maghatid ng mga gamot, relief goods at kagamitan ng mga sundalo na patuloy na humaharap sa krisis sa Zamboanga at huÂmingi din ng paumanhin sa mga residente dahil sa hindi agad mawakasan ang krisis, subalit naÂngakong mareresolba ito sa mapayapang paraan upang maiwasan na may masawi pa.