^

Police Metro

Banta sa biyudo tinotoo ng tatlong nakaaway… ‘Hindi ka na aabutin ng bukas’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang binalewala ng isang 41-anyos na lalaki ang banta sa kanya ng tatlong lalaki na kanyang nakaaway na “hindi na siya aabutin ng bukas” matapos siyang pagbabarilin ng mga ito habang nagbibisekleta kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ang biktima na nasawi noon din ay nakilalang si Fernando Birol, 41, biyudo, ng 5361 Phase 2, Block 4, Ilugin, Barangay Pinagbuhatan ng lungsod.

Ang mga suspek ay kinilala sa mga alyas na Jason, Joey at Dennis na nakaalitan at pagbanta­an nilang papatayin ang biktima ilang oras lamang bago naganap ang krimen.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng mada­ling araw sa kahabaan ng Sandoval Avenue, sa
Ba­rangay Pinagbuhatan ay sakay ng  bisikleta ang biktima at papunta sa bahay ng kapatid na babae nang ito ay harangin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo at saka pinaulanan ng bala.

Batay sa salaysay ng ina ng biktima na si Carmen, 63, na bago pinatay ang anak ay nakaaway nito ang tatlong suspek na nakatira umano sa isang condo at nagbanta sa biktima na papatayin at
sinabihang “Hindi ka na aabutin ng bukas!” Hindi naman umano nabanggit ng anak kung ano ang pinag-awayan nila ng mga suspek.

BARANGAY PINAGBUHATAN

BATAY

BRGY

FERNANDO BIROL

ILUGIN

MISTULANG

PASIG CITY

PINAGBUHATAN

SANDOVAL AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with