Pawnshop hinoldap ng sariling sekyu

MANILA, Philippines - Ganun na lamang ang pagkagulat ng teller ng  isang pawnshop-remittances company na ang bantay nilang sekyu ang magsasagawa nang panghuholdap kahapon ng madaling-araw sa General Trias, Cavite.

Ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakila­lang si Joel Fidel, 35, nakatira sa Calumpang Cerca, Indang.

Batay sa ulat, dakong alas-3:10 ng madaling-araw, habang binabantayan ng suspek ang MLhuillier Pawnshop Kwarta Padala-Manggahan Branch na matatagpuan sa kahabaan ng Gov. Ferrer Avenue, Brgy. Manggahan na nag-o-operate ng 24-hours nang lapitan nito ang cashier na si Mercilyn Sango, 27.

Nagulat na lamang si Sango nang tutukan siya ng suspek ng baril at sabay iginapos ng plastic bag ang kaniyang dalawang kamay at mabilis na kinuha sa drawer ang nasa P80,000 na kita.

Matapos makuha ang pera ay mabilis na tumakas tangay ang inisyung caliber .9mm pistol na pag-aari ng Blessed Security Agency Inc.

Show comments