MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., ang malawakang crackdown laban sa petty at index crimes sa Metro Manila dahil sa inaasaÂhang pagtaas ng kriminaÂlidad ngayong pumasok na ang ‘ber months’ kaugnay ng yuletide season,
Kabilang sa petty crimes ay robbery/holdup, bag slashing, pandurukot at snatching lalo na ng mga cell phone, Ipad, laptop at iba pang mamahaling kagamitan gayundin ang mga alahas.
Samantalang ang index crimes ay tinukoy ni Garbo na robbery, theft , murder, homicide, physical injury at rape.
Una nang minobilisa ni Garbo sa limang distrito ng pulisya sa Metro Manila ang Police Integrated Patrol System (PIPS) para 24/7 upang matutukan ang insidente ng mga kriminalidad .
Binigyan din ng opisyal ng direktiba ang mga hepe ng pulisya na pababain ng 50% sa loob ng 3 buwan ang insidente ng kriminalidad sa limang lugar na tinaguriang ‘crime hotspots ‘ sa Metro Manila. Kabilang dito ang Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City; Monumento sa Caloocan, Taft –Baclaran sa Pasay City; Quiapo hanggang kahabaan ng Recto sa lungsod ng Maynila at Kalentong sa MandaluÂyong City.