Napoles inatake ng alta presyon

MANILA, Philippines -Inatake ng alta presyon kahapon ng madaling-araw si Janet Lim Napo­les sa kanyang ikatlong-araw sa selda ng Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna kung kaya’t nahilo at nagsuka ito.

Inihayag ni PNP Public Information Office Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac dakong alas-4:43 ng madaling-araw nang tumaas ang blood pressure ni Napoles na naitala ng mga nars na tumingin dito sa 200/130 bunsod upang mahilo ito at magsuka.

Bumaba rin ang sugar level nito sa 90 at matapos naman itong mapainom ng gamot ay bumaba na ang blood pressure nito na nasa 140/80.

Magugunita na noong Lunes ay inatake ng “an­xiety attack” dahil sa may “claustrophobic disorder” si Napoles na hindi sana’y sa isang maliit at saradong area at mayroon din itong diabetes.

 

Show comments