Caretaker inutas sa pagsita
MANILA, Philippines -Nasawi ang isang 57-anyos na lalaki na careÂtaker ng isang durian plantation nang pagtatagain ng lolo ng isang menor de edad na sinita nito sa pagnanakaw ng prutas kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, Rosario, Agusan del Sur.
Ang nasawi ay nakilaÂlang si Mariano Arcaya, caretaker sa malawak na lupaing taniman ng durian at rambutan na pag-aari ng negosyanteng si Titing Labores dahil sa mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ang suspek ay nakilaÂlang si Jimmy Bulwa, 43-anyos, karpintero sa naÂsabing lugar ay sumuko sa pulisya.
Sa ulat ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bago nagaÂnap ang pananaga sa biktima ng suspek dakong alas-8:00 ng gabi ay sinita umano ng biktima ang menor de edad na apo ng suspek na tinukoy lamang sa palayaw na Lablab na nahuli nitong nagnanakaw ng mga prutas.
Kinompronta umano ng galit at nagmumurang biktima ang lolo ng binaÂtilyo at ipinaalam ang ginawa ng kaniyang apo bagay na minasama ng suspek.
Habang nakaupo ang biktima sa harapan ng bahay ng kaniyang among si Labores ay bigla na lamang itong lapitan at pagtatagain ng suspek.
- Latest