^

Police Metro

De Lima nag-leak ng warrant ni Napoles

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Deretsahang itinuro ni Atty. Lorna Kapunan na si Justice Secretary Leila De Lima ang siyang nag-leak ng warrant of arrest at reso­lusyon na may freeze order na ang mga bank accounts ng kliyenteng niyang si Janet Lim Napoles.

Ayon pa kay Kapunan na may mga mahistrado rin ng Court of Appeals ang nagbunyag na dapat siyang sisihin bagamat hiniling ng mga mahistrado na huwag ibunyag ang kanilang
pag­kakakilanlan.

Inakusahan nila si De Lima na agad nag-release ng balita sa media kaugnay sa resolution ng pagpayag ng CA sa hiling ng
Anti-Money Laundering Council (AMLC) na mai-freeze ang assets ni Napoles,  sa halip na confidential..
Ang nasabing resolution ng CA 2nd Division ay ipinalabas noong Agosto 16 ay agad namang naipa­mahagi na ni De Lima ang kopya sa mga reporter.

Ma­ari umanong mai-cite for contempt si De Lima alinsunod sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) law dahil sa pagli-leak ng
nasabing impormasyon.

AGOSTO

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

AYON

COURT OF APPEALS

DE LIMA

DERETSAHANG

JANET LIM NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

LORNA KAPUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with