MANILA, Philippines -Binigyan lamang ng 10 araw ang Senado sa pamumuno ni Senate PreÂsident Franklin Drilon at House Representatives na pinamumunuan naman ni Speaker Feliciano Belmonte na magsumite ng
paliwanag kaugnay sa petisyong kontra sa pork barrel system sa idinaos na en banc deliberations ng mga mahistrado.
Magugunita na noong nakalipas na linggo nang kuÂwestiyunin sa SC sa pamamagitan ng
taxÂÂÂpayers suit, sa panguÂnguÂna ng natalong Senatorial candidate na si Atty. Samson Alcantara ng Social Justice Society ang legalidad ng pork barrel at kahilingang ideklarang unconstitutional ang nasabing sistema.
Hiniling din ni Alcantara na magpalabas ang Mataas na Hukuman ng temporary restraiÂning order para pigilan ang pagpapalabas ng pork barrel funds upang maagapan ang pondo na maabuso.
Naging senyales sa paghahain ng petisyon ang pagputok ng isyu ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-NaÂpoles na kasabwat ng mga mambabatas sa pagkakaloob ng pondo sa mga bogus na non-governmental organizations (NGOs).
Inanunsyo naman ni Atty. Theodore Te, hepe ng SC Public Information Office, na ira-raffle muli ang nasabing petisyon makaraang mag-inhibit si Justice Presbitero Velasco na naunang naatasang magÂponente sa kaso sa kadahilanan na ang kanyang maybahay si Lorna Velasco ay miyembro ng Kongreso na kinatawan ng Ang Mata’y Alagaan Party List.
Hiniling din ng mga petitioner na magpalabas ang Korte Suprema ng writ of prohibition para pigilin ang Kongreso sa pagpasa ng batas na maglalaan ng pondo para sa pork barrel system sa alinmang porma o pangalan na ito ay tawagin.
Naniniwala ang mga peÂtitioner na sa ilalim ng pork barrel system, nagÂkakaroon ng misappropriation sa pondo ng gobyerno.