^

Police Metro

SC hiningan ng paliwanag ang kongreso sa ‘Pork’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Binigyan lamang ng 10 araw ang Senado sa pamumuno ni Senate Pre­sident Franklin Drilon at House Representatives na pinamumunuan naman ni Speaker Feliciano Belmonte na magsumite ng

paliwanag kaugnay sa petisyong kontra sa pork barrel system sa idinaos na en banc deliberations ng mga mahistrado.

Magugunita na noong nakalipas na linggo nang ku­westiyunin sa SC sa pamamagitan ng
tax­­­payers suit, sa pangu­ngu­na ng natalong Senatorial candidate na si Atty. Samson Alcantara ng Social Justice Society ang legalidad ng pork barrel at kahilingang ideklarang unconstitutional ang nasabing sistema.

Hiniling din ni Alcantara na magpalabas ang Mataas na Hukuman ng temporary restrai­ning order para pigilan ang pagpapalabas ng pork barrel funds upang maagapan ang pondo na maabuso.

Naging senyales sa paghahain ng petisyon ang pagputok ng isyu ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Na­poles na kasabwat ng mga mambabatas sa pagkakaloob ng pondo sa mga bogus na non-governmental organizations (NGOs).

Inanunsyo naman ni Atty. Theodore Te, hepe ng SC Public Information Office, na ira-raffle muli ang  nasabing petisyon makaraang mag-inhibit si Justice Presbitero Velasco na naunang naatasang mag­ponente sa kaso sa kadahilanan na ang kanyang maybahay si Lorna Velasco ay miyembro ng Kongreso na kinatawan ng Ang Mata’y Alagaan Party List.

Hiniling din ng mga petitioner na magpalabas ang Korte Suprema ng writ of prohibition para pigilin ang Kongreso sa pagpasa ng batas na maglalaan ng pondo para sa pork barrel system sa alinmang porma o pangalan na ito ay  tawagin.

Naniniwala ang mga pe­titioner na sa ilalim ng pork barrel system, nag­kakaroon ng misappropriation sa pondo ng gobyerno.

ALAGAAN PARTY LIST

ANG MATA

HINILING

HOUSE REPRESENTATIVES

JANET LIM-NA

JUSTICE PRESBITERO VELASCO

KONGRESO

KORTE SUPREMA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with