MANILA, Philippines - Dapat nang kunin ang testimonya ni Janet Lim-Napoles kaugnay sa P10 bilyon pork barrel scam bago pa may mangyaring masama sa kanya.
Ito ang iginiit kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na ang nasabing procedure ay tinatawag na “perpetuation of testimony†sa ilalim ng Rules of Court.
Ang pagkuha umano ng testimonya ng isang tesÂtigo bago pa man ito isaÂlang sa paglilitis ay isang procedure para ma-preÂserba ang testimonya nito.
Ipinunto ni Santiago na maaring may magtangka sa buhay ni Napoles upang mapigilan itong isiwalat ang mga senador at congressmen na naka-transaksiyon niya sa PDAF.
Puwede na umanong magbigay ng kanyang testimonya si Napoles bago pa pormal na pagsisimula ng trial nito.