MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Commission on Audit COA) Chairperson Grace Pulido-Tan sa pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee na may dalawa pang senador na hindi muna pinangalanan ang sangkot din P10 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) na kilala rin sa tawag na pork barrel fund sa mga ghost projects ng mga pekeng non-government organizations (NGOs).
Mismong si Tan ang nagsabi sa komite na may dalawa pang senador bukod kina Gregorio Honasan, P14.55 milyon; Jinggoy Estrada, P262.575 milyon, Juan Ponce Enrile P332.7 milyon, at Ramon Bong Revilla Jr., P483.49 milyon na umano ay naglagay din ng pondo sa pekeng NGOs na nauna nang itinanggi ng apat na mayroon silang kaugnayan kay Napoles.
Lumabas din sa pagdinig na mahigit sa P1 bilyong pork barrel funds ng apat na senador ang nailagay sa pitong NGOs na may kaugnayan kay Napoles mula 2007 hanggang 2009.
Kabilang umano sa mga NGOs na may kaugnayan kay Napoles ang mga sumusunod: Agri and Economic Program for Farmers Foundation, Inc. (AEPFFI); AgÂriculture Para sa Magbubukid Foundation, Inc. (APMFI); Countrywide Agri and Rural Economic Development (CARED) Foundation Inc.; Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, Inc. (MAMFI); People’s Organization for Progress and Development Foundation Inc. (POPDFI); Philippine Social Development Foundation Inc. (PSDFI); at Social Development Program for Farmers Foundation, Inc. (SDPFFI).