MANILA, Philippines - Isang 28-anyos na dalagang drug pusher ang pinatay nang ito ay barilin sa mukha ng hindi pa kilalang suspek sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan sa Purok Otso, Brgy.Recado, Zamboanga City kamakalawa.
Ang biktima ay nakilaÂlang si Sheenalyn Gregana, ng Zone 4, Brgy. Zambowood, Zamboanga City dahil sa tama ng bala sa mukha na naglagos sa kabila na siyang sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Batay sa ulat, bandang ala-1:25 ng madaling araw ay nakasilong ang biktima sa isang waiting shed sa Purok 8, Brgy Recodo ng lungsod sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan nang bigla na lamang umanong sumulpot ang gunman at agad pinagbabaril ang biktima sa mukha.
Ayon sa pulisya na may natanggap silang impormasÂyon na nagtutulak ng droga ang biktima at posibleng onsehan ang motibo ng krimen.