30 gov’t websites na-hack ng anti-pork activist

MANILA, Philippines - Umaabot sa 30 government websites ang na-hack ng mga anti-pork hackti­vist na tinawag na Pinoy Vendetta.

Sa mensaheng ipinadala ng mga hacker sa websites ng National Historical Commission, National Telecommunications Commission, Komisyon sa Wikang Filipino, Municipality of Pikit, Optical Media Board, Autonomous Region in Muslim Mindanao, San Juan City, Talibon Bohol, Philippine Economic Zone Authority at Sugar Regulatory Administration na kumokondena sa sistema ng Presidential Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Kabilang sa mensaheng mababasa sa mga na-hack na website ang: We are Pinoy Vendetta. We Don’t Die, We Multiply. Abolish the Pork Barrel, Hitman, Greetz to Darknight and Soulja Girl.

May mensahe rin na ipinahatid kay Pangulong Aquino sa wikang Ingles na nagsasabing: Ikinalu­lugod namin na kayo ay tumu­gon sa panawagan ng publiko na buwagin ang PDAF. Magkagayunman, ang alternatibong pakete
na nagpapahintulot pa rin sa mga Kongresista at Senador na tumukoy ng mga sponsored project na popondohan bilang line item sa annual budge ay nagbibigay daan pa rin para maabuso ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang kaban ng bayan.
Dahil dito, maliwanag uma­no na nananatili pa rin ang pork barrel. Nanana­wagan sila kay Pangulong Aquino na tuluyan nang
bu­wa­gin ang pork barrel sys­tem at hayaan na lamang ang mga kongresista na magpasa ng mga batas. – Ludy Bermudo, Rudy Andal –

Show comments