Magkaibigan nakuryente

MANILA, Philippines -  Isang magkaibigan ang nakuryente habang kanilang inaayos ang depektibong linya ng kuryente kamakalawa ng gabi sa Brgy. Langkaan I, Dasmariñas City, Cavite.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Renato Relina, habang ang kaibigan nito na si John Buendia, may-asawa ay nasa kritikal na kalagayan dahil sa mga tinamong sunog sa katawan.

Batay sa ulat, ganap na alas-6:45 ng  gabi ay magkatulong na nag-aayos ng nasirang linya ng kuryente ang magkaibigan sa bahay ni Buendia ng aksidenteng mahawakan ng mga ito ang live wire dahilan upang sila ay kapwa nakuryente.

Ang magkaibigan ay dinala sa pagamutan, subalit namatay si Relina habang nasa kritikal si Buendia.

 

Show comments