MANILA, Philippines -Isang 3-anyos na baÂtang lalaki ang nasawi matapos na aksidenteng mabaril ng 5-anyos na pinsang babae habang sila ay naglalaro kamakailan sa Brgy. Makiling, Sagay City, Negros Occidental.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Kenneth Alipan, na tinamaan ng bala sa noo na unang isinugod sa Maranon District Hospital at inilipat sa Corazon Locsin Montelibano Regional Hospital kung saan binaÂwian ito ng buhay bandang alas-10:00 ng gabi nitong linggo.
Halos tulala ang suspek na itinago sa pangalang Millet bunga ng sinapit ng kaniyang pinsan.
Nabatid na kasaluÂkuÂyang naglalaro ang magÂpinsan sa bahay ng kanilang lola sa nasabing lugar nang mangyari ang insidente.
Masayang naglalaro ang dalawang bata nang bigla na lamang kunin ng malikot na si Millet ang boga na nakasabit sa dingding at saka kalabitin na sumapul sa noo ng bikÂtima.
Napasugod naman ang lola ng mga bata matapos na marinig ang malakas na putok ng baril kung saan nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima pero binawian ito ng buhay makalipas ang ilang oras.