MANILA, Philippines -Bunsod ng walang pukÂnat na pag-ulan at patuloy na pagtaas ng tubig baha na dala ng bagyong ‘Maring’ at hanging habagat kaya itinaas sa kritikal level o alert level 4 ang Marikina river kahapon ng tanghali.
Ayon kay Marikina MaÂyor Del de Guzman, ganap na ala-12:45 ng tanghali nang umabot sa 19 meters ang tubig na dumadaloy sa kanilang ilog kaya itinaas nila ang alarma sa number 3 na siyang hudyat para sa mga residente na nakatira malapit sa ilog na kailaÂngan ng lumikas sa mataas na lugar.
Sinabi ni mayor De GuzÂman, dahil na rin sa mga nakalipas na karanasan ng mga residente kaya natuto na ang mga ito at hindi na sila nahihirapan para sa pagÂlilikas sa tuwing tumataas ang tubig sa Marikina river.
Sa ngayon ay umaabot na sa 521 na pamilya ang nasa mga evacuation center sa Marikina.
Pinawi rin ni Mayor Del ang pangamba ng kanyang mga kababayan hinggil sa pag-release ng tubig ng La Mesa Dam dahil hindi naman apektado dito ang Marikina.