Rider pisak sa Van

MANILA, Philippines - Pisak ang isang rider makaraang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang aluminum van sa Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang 22-anyos na biktimang si John Carl Borrero, binata, residente ng Brgy. San Agustin Trece Martires City, Cavite.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Runnell Dulatre, 37, residente ng Blk. 10 Lot 32 Soldiers 4 Subd. Brgy Molino 6, Bacoor Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Jesus Bae, dakong alas-2:15 ng madaling-araw, minamaneho ng suspek ang van na may plakang UJO-921 nang pagsapit sa pakurbang daan ng Governor’s Drive, Brgy. Sampaloc 4 ay sumalpok ito sa kasalubong na Honda beat motorcycle na walang plaka.

Sa tindi ng impact ay tumilapon ang biktima at humampas ang katawan at ulo sa sementadong daan kaya agad na nasawi.

Nakatakda ngayong kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng van na ngayon ay pinipigil na ng pulisya.

 

Show comments